Ang mga
kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't ibang uri ng kahoy na ginagawang
troso, tabla, plywood at veneer. Malaki ang kinikita ng bansa tulad ng
Pilipinas sa pagluluwas ng troso. Ang iba pang mga produkto ng gubat ay ang
ratan, uling, nipa, balat ng kahoy na pangulti (tambark), dampol (tam dye),
buri, buho, kawayan at dagta o resina.
Ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mamabangis na hayop, tulad ng
tamaraw, usa at baboy-damo. Dito rin nanggagaling ang iba pang hayop, tulad ng
agila, mga kalapati, unggoy, at maraming uri ng ibon.