Ang Brasil ay ang pinakamalaking bansa sa buong rehiyon ng Timog America at Latin America.
Ito ay ang ikalimang pinakamalaking bansa sa daigdig pagdating sa parehong lawak ng bansa at sa populasyon.
Ito rin ang pinakamalaking bansang nagsasalita ng Wikang portuges sa buong mundo, at nag-iisa lamang sa kontinente ng Amerika.
Ang Brasil ay may habang-baybayin na 7,491 km (4,655 mi).
Hinahangganan nito ang lahat ng ibang mga bansa sa Timog Amerika maliban sa Ecuador at Chile, at sumasakop sa 47.3 porsiyento ng kontinente ng Timog Amerika.