Ang ilan sa MABUTING epekto ng edukasyong kolonyal sa mga Pilipino:
1. Pagbubukas ng isipan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon sa kaunlaran at tagumpay sa buhay ng tao.
2. Pagiging masigasig sa pagtuklas at pagpapakadalubhasa sa iba't ibang larangan.
3. Pagkagising ng nasyonalismo.
4. Paglawak ng kaisipan at pananaw sa maraming bagay; mataas na antas ng pagbasa, pagbilang, at pagsulat.
5. Pagkatuto sa mga bagay na may kinalaman sa kagandahang-asal.
Ang DI-MABUTING epekto nito ay:
Nagiging mababa ang pagtingin sa sariling kultura na nagdulot ng takot, hiya, at mababang pagtingin sa pagka-Pilipino.