Juan Sipag Sinasabi na si Juan ay tamad Ngunit sa kanayunan hanggang sa syudad Nakikita ko si Juan, sa lahat siyang gumagawa Mula tanghali, hapon, gabi, hanggang umaga Sinasabi na si Juan ay tamad Ngunit nagsabi niyan malamang ay bulag Sa aking mga nakikita maghapon at magdamag Si Juan ang nagpapakita ng lakas na walang katulad Sa lahat kong pagkain at mga kasuotan Pati sasakyan at bahay na tinitirhan Nakikita kong gumagawa'y mga kamay ni Juan Paano ngayon sasabihin na si Juan ay batugan? Di dapat sabihin na tamad si Juan Pagkat kung wala ang malaking hirap niya't kasipagan Wala sanang pag-unlad itong ating bayan Lahat tayo'y mabubuhay sa dusa't kahirapan 1. Sino ang tintukoy na Juan sa tula? a. Isang matanda b. Isang binata C. Mangagawang Pilipino d. Mamamayang Pilipino 2. Pinapabulaanan ng tula na si Juan ay tamad. Aling saknong ang nagbibigay linaw dito? a. 1.II,III, IV c. 1,11,111 b. 11,111,1V d. 1.11.1V 3. Ano ang ibig sabihin ng katagang malamang ay bulag sa ikalawang saknong? a. Nabubulagan ang mga tamad b. Di nakikita nang mainam C. Nabubulagan sa katotohanan d. Di nakikita ang kasipagan ni Juan
pasagot po pls ng maayos nonsense-report need kona