angalan:_________________________ Antas:_______________Petsa:________________ I-Panuto: Piliin sa kahon ang tamang kahulugan ng mga salitang tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang. _____1. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa pang-araw-araw na gawain. _____2. Ang pagbili o paggamit ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. _____3. Ito tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo. _____4. Ito ay tumutukoy sa paghahangad ng tao ng mas mataas sa kanyang batayang pangangailangan upang mabuhay ng marangal at maayos sa lipunan. _____5. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. ______6. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hind mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. ______7. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng market at command economy tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. ______8. Ang ekonomiya ay nasa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies). ______9. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. ______10. Ito ay nagaganap o umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan ng mga tao. ______11. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa suplay ng isang produkto kagaya ng kakulangan ng suplay ng bigas sa pamilihan dahilan sa bagyo at iba pang kalamidad. ______12. Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan pinagsasama ang mga salik (input) upang mabuo ang isang produkto (output). Ito ay tumutukoy din sa paglikha ng produkto o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. ______13. Ito tumutukoy hindi lamang sa lupang tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay, kasama rin dito ang lahat ng likas na yaman sa ibabaw at ilalim nito pati ang yamang-tubig, yamang-mineral at yamang-gubat. ______14. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo. Ito ay kinapapalooban ng mga taong may kakayahang mental o pisikal sa paglikha ng serbisyo o kalakal na kailangan ng mga tao. ______15. Ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto tulad ng mga makinarya o kasangkapang ginagamit sa paggawa. Ito ay maaari ding maiuugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga kalsada.