Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan na itinatag noong 13 Disyembre 1888.
Ang naging pangulo nito ay si Galicano Apacible, pinsan ni Jose Rizal. Ang mga ibang naging opisyal nito ay sina Graciano Lopez Jaena, pangalawang pangulo at si Mariano Ponce, ingat-yaman. Si Rizal, na nasa London noong panahong iyon, ay naging Pangulong Pandangal. Ngunit, kahit ang ibig sabihin ng pangalan ng samahan ay "the soliditary", naghirap ang samahan dahil sa hindi-pagkakaunwaan at anarkiya. Kinailangan ang maimpluwensiyang opinyon ni Rizal at ang talino ni del Pilar para magkaunawaan ang mga Pilipino sa Espanya at mabigyang halaga ang kanilang mga layunin.
Publikasyon ng La solidaridad
Ang pahayagan naman ay lalong nagpalakas sa samahan at naging opisyal na pahayagan nito mula noong 15 Pebrero 1889 hanggan 15 Nobyembre 1895. Ang mga donasyon ng mga komiteng lokal at ang pamamahagi nito sa taong-bayan ay lalong nag-enganyong sumama ang mga indibidwal sa kampanya para sa mga pagababago.
Explanation:
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!