IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

anong uri ng Homo Erectus na natagpuan ang labi sa Indonesia na may taas na 1.5 metro. ​

Sagot :

Answer:

Ang Homo erectus (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistang Olandes na si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D)[1] Natagpuan ang mga labing fossil sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921.

Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, nakaraang pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang modernong tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuang fossil mula sa Kenya ng Silangang Aprika na nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang modernong tao mula doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga Homo erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad ng Australopithecus na nag-ebolb sa henus na Homo. Ang species ng Homo na Homo habilis ay pinaniwalaan na ninuno ng Homo Ergaster na nagpalitaw naman sa Homo erectus. Gayunpaman, may mga bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang Homo habilis at ang Homo erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno.[2] Gayunpaman, ito ay maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang genus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[3]

Ang Homo erectus ang nananatiling ang pinakamatagal na nabuhay na species ng Homo na nabuhay sa higit sa isang milyong taon. Ang Homo sapiens(modernong tao) ay umiiral pa lamang sa loob ng 200,000 taon.

Nilalaman

1 Klasipikasyon

2 Mga subspecies ng Homo erectus

3 Homo floresiensis

4 Mga katangian

5 Tingnan din

6 Mga sanggunian

Klasipikasyon

Pinagdedebatihan pa rin ng mga siyentipiko ang klasipikasyon, angkan, at inapo ng H. erectus. May dalawang mga pangunahing klasipikasyon: ang H. erectus ay maaaring isa pang pangalan ng Homo ergaster at kaya ay direktang ninuno ng mga kalaunang hominid gaya ng Homo heidelbergensis, Homo neanderthalensis, at Homo sapiens; o ito ay maaaring ang Asyanong species na natatangi mula sa Aprikanong Homo ergaster.[4][5][6]

Answer:

Java Man

Explanation:

correct me if im wrong

STAY SAFE;)