Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at maaasahang mga solusyon. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
ECOLOGY
ang sangay ng agham na nag-aaral sa pagkabaha-bahagi ng mga bagay na may buhay, at ang interaksyon sa kanilang kapaligiran.
ECOSYSTEM
ang tumutukoy sa nagaganap na interaksyon sa pagitan ng isang pamayanang biyolohikal at walang buhay na organismo. - ito ay may kinalaman sa ugnayan ng katangiang pisikal, kemikal, biyolohikal at ng mga enerhiyang tulad ng hangin, tubig, lupa at mga organism
CARRYING CAPACITY
ito ay tumutukoy sa hangganan ng likas na yaman na maaaring gamitin ng sangkatauhan sa ecosystem
LIVING PLANET INDEX REPORT
ang naglalarawan ng kalagayan ng ecosystem. Ito ang sumusuri sa kalagayan ng likas na yaman at kalusugan ng ecosystem
ECOLOGICAL FOOTPRINT ng POPULASYON
ang tumutukoy sa karampatang lawak ng lupain at bahagi ng tubig na kailangan o maaaring gamitin ng populasyon na tutustos sa kanyang pangangailangan.
MGA DAHILAN NG PAGKASIRA NG ECOSYSTEM
- ang labis na paggamit at pang-aabuso ng tao sa paggamit ng mga likas na yaman
- ang labis na kapabayaan at pagtatapon ng basura ng tao na nagreresulta sa labis na polusyong nararanasan ng daigdig.
- ang mabilis na pagtaas ng populasyon o pagdami ng bilang ng taong naninirahan sa isang lugar.
ECOLOGICAL BALANCE
balanseng pagbabagong nagaganap sa pisikal na kapaligiran at galaw ng tao. Ito rin ay tumutukoy sa balanseng bigayan ng tao at ekolohiya at ang pagkakaroon ng ecological imbalance ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa sangkatauhan.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.