Ang isla ng Crete ang
pinakamalaking isla na matatagpuan sa Greece at ikalima sa pinakamalaking isla
sa Mediterranean Sea. Naging tanyag ito dahil sa malaparaisong tanawing mayroon
dito. Isang dinadayo ng mga dayuhan dito ay ang kweba kung saan sinasabing
ipinanganak si Zeus, isa sa mga diyos ng Greece ayon sa Greek Mythology. Naging
atraksyon din sa lugar na ito ang kanilang white sand beach at iba yamang
natural na matatagpuan dito. Ang isla ng Crete ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Greece.