Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Panuto: Hanapin ang mga Pang-ugnay na ginamit sa editoryal.

Kabataang Kidnappers

Pilipino Star Ngayon, Agosto 12, 2018

NAGDUDULOT ng pangamba ang ginagawa ng ilang kabataan ngayon para magkapera- nangingidnap sila at matindi, kaeskuwela nila ang kinikidnap at saka ipatutubos sa mga magulang nito. Wala nang takot ang mga kabataan na para bang ang gawaing pangingidnap ay karaniwan na lamang.

Ang nangyayaring ganito ay hindi dapat balewqalain ng mga awtoridad at mga magulang. Kapag hindi nasawata, maaaring gayahin ng iba pang kabataan para magkapera. Kaya talagang mahalaga ang pagsubaybay ng mga magulang sa kanilang mga anak para hindi maligaw ng landas.

Sa nakalipas na lingo, tatlong kabataan ang kinidnap, ayon sa Anti-Kidnapping Group (AKG). Dalawa sa mga kinidnap ang na-rescue ng AKG samantalang isa ay nakatakas sa mga kidnaper. Ayon sa AKG ang dalawang kinidnap ay mga estudyante. Na-rescue nila si Denzhel Gomez, student ng San Juan de Letran at ang isang estudyanteng babae sa Quezon City na itinago ang pangalan. Hinahanap pa ng mga pulis ang kidnaper na umano’y mga estudyante rin. Ang ikatlong kinidnap saubalit nakatakas ay estudyanteng lalaki sa Quezon City din. Pero naaresto na ang suspect.

Ayon sa AKG, ngayon lang daw sila naka-encounter ng ganitong mga kaso na ang mga kinapper ay mga kabataan pa at nag-aaral sa kolehiyo. Hindi raw nila akalain na sa ganitong edad – 16 hanggang 19 ay mga kidnapper na. At tunay na nakapanlulumo pa, ang kinidnap ay kaklase rin nila.

Ganyan ang nangyari kay Denzhel Gomez ng letran na kinidnap ng mga kaklase habang naghihintay ng sasakyan sa Central Station sa Arrocerros, Maynila. Ayon sa AKG, kasama ni Gomez sa paghihintay ang kaklaseng si Julius Atabay ng isang van ang tumigil sa harap nila at sapilitan silang isinakay. Subalit pinakawalan si Atabay (kasabwat pala) para makapag-negosasyon sa mga magulang ni Gomez at humingi ng P30 Milyong ransom. Nahuli si Atabay at umamin na kasama siya ng kidnapper. Itinuro niya ang safehouse at nailigtas si Gomez.

Habang maaga pa, putulan na ng sungay ang mga kabataan bago pa lumala at makaugalian na nila ang pangingidnap.. Mabuti at nalutas ng AKG ang pangingidnap ng mga kabataan. Hindi na talaga dapat mangyari ang ganitong masamang gawain.

Sagot :

Answer:

asan po yung question para ma answeran

Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.