Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Top-Down Approach
Sagot:
Ang Top-Down Approach ay isang uri ng metodo na nag-aanalisa ng isang programa sa pamamagitan ng pagsisimula sa buong detalye bago pumunta sa maliliit na bagay. Kung ilalagay sa sitwasyong Disaster Management, ito ay pagtatalaga ng solusyon sa masa at saka lang sosolusyunan kapag may nakita ng problema o butas. Ang Top-Down Approach ay kilala din sa ibang lugar ng pag-aaral tulad na lang ng negosyo, pang-pinansyal, at ekonomiya.
Ang mga kalakasan ng Top-Down Approach ay:
1.Makikita agad kung epektibo ba ang programa
2.Mas makikita ang kakaharapin pang problema
3.Maagang masosolusyunan ang problema
Paliwanag:
1.Sa paglalathala agad ng solusyon ukol sa Disaster Management, mas naoobserba ng mga kinauukulan kung ito ba ay tunay na epektibo at hindi sayang.
2.Hindi tulad ng pangangalap muna ng datos bago gumawa ng solusyon, mas maagang nakakaharap ng Top-Down Approach ang mga problemang hindi pa naiisip na makakaapekto. Kung kaya’t higit din na mas maaga itong maisasaayos.
3.Tulad nga ng naunag pahayag, kapag maagang lumabas o makita ang buta ng isang programa mas mabilis itong magagawan ng paraan.
Ang pagiging epektibo ng metodong ito ay nakabatay parin sa mga taong gaganap at mga aksyong gagawin nila. Mahirap ang magiging sitwasyon kung tanging nakasalalay lang ang tao sa metodo ng pagsosolusyon, maiging maging epektibo ang opisyal at mga mamamayan para tuluyang maagapan ang mga sakuna.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.