Ang Brazil ang pinakamalaking bansa sa Latin America at
panglimang sa pinakamalaking bansa sa buong mundo. Sinasabing ang Brazil ay isa
sa may mga malawak na industriya at pook na urbano na matatagpuan sa Latin
America, sapagkat 80% sa populasyon nito ay nakatira na sa syudad.
Sa kabila ng kaunlaran ng bansang ito,ang Brazil ay natanyag
dahil sa hindi pantay na distribusyon ng kita sa mga mamamayan nito. Ang kahirapan
ng mga mamamayan sa rural na bahagi ng bansang ito ay maaaring maikumpara sa
kahirapan sa Africa, ang usaping ito ay nagdulot din ng mga problemang sosyal
sa bansa.