Ang Brazil ay may malawak na heograpiya, magandang
industriya at malawak ang pook na urban. Walongpung porsyento sa populasyon ng
bansang ito nakatira na sa urbanisadong pook.
Sa kabila ng mga magagandang katangian ng bansang ito
ay hindi pa rin maisasantabi ang mga kapintasan.
Ang Brazil ay kilala dahil sa
disparity o hindi pagkapantay-pantay ng mga mamamayan dito. Hindi pantay-pantay
ang distribusyon ng kita sa mga mamamayan.
Isa pa sa mga suliranin ng bansa ang kahirapan ng mga
pook na rural. Ang kahirapan sa bahagi ng bansang ito na nananatiling rural ay
maihahalintulad sa kahirapan sa Africa at ibang bahagi ng Asya.