Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

pabula tauhan paliwanag​

Sagot :

Answer:

Ano ang Pabula?

Ang pabula ay isang uri ng panitikan na kung saan ang pangunahing mga tauhan ay ginagampanan ng mga hayop. Sa akdang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakakapagsalita tulad ng mga tao. Sa wakas ng kwento, ang mga mambabasa ay inaasahang may mapupulot na mabuting aral at magandang asal.

Karamihan sa mga pabula ay isinulat para sa mga bata. Ito ay karaniwang binabasa sa mga bata sapagkat madaling nitong naituturo ang pagkakatulad ng ugali ng mga tao sa mga hayop. Halimbawa, ang leon ay karaniwang nagpapakita ng pagiging malakas at matapang, samantalang ang tupa naman ay nagpapakita ng pagiging mabait at maamo. Naipapamulat ng akdang ito ang mga mabubuting katangian na dapat taglayin ng mga bata.

Maituturing din ang pabula bilang isa sa mga pinakamatandang uri ng panitikan sa daigdig. Pinaniniwalaang ito ay nagmula pa noong ikaapat na siglo bago pa man isinilang si Hesus. Ang pinakakilalang manunulat ng pabula ay si Aesop, itinuturing din siya bilang “Ama ng Pabula”.