Kilala ang Brazil sa ganda ng industriya at sa
urbanisadong lipunan. Walongpung porsyento ng mamamayan dito ay nakatira na sa syudad.
Sa kabila ng mga mabubuting katangian ng bansang ito,
laganap pa rin ang diskriminasyon sa kanilang bansa. Pangunahing suliranin ng
syudad ang social disparity o ang hindi pantay-pantay na pagtrato sa bawat
mamamayan.
Isa ring sosyolohikal na suliranin sa Brazil ang kahirapan
ng mga mamamayang naninirahan sa mga natitirang pook na rural sa bansang ito, sinasabing ang
kahirapan sa mga lugar na ito ay maihahalintulad sa kahirapan sa Africa at
ibang bansa sa Asya.