Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

1. Sina Aida, Lorna, at Fe ay matalik na magkakaibigan. _______ ay nag-aaral din sa
iisang unibersidad sa Maynila. Anong panghalip ang dapat ipuno sa patlang?
A. Ako B. Ikaw C. Tayo D. Sila

2. Maganda sa mukha ang aloe vera. _____ ang ipahid mo sa mukha para mawala ang
mga pekas. Anong panghalip pamatlig ang angkop ipuno sa patlang?
A. Niyan B. Ito C. Dito D. Diyan

3. __________ ay humanga sa kagitingan ng ating mga frontliners sa kanilang
pakikidigma laban sa COVID-19. Anong panghalip ang dapat ipuno sa patlang?
A. Lahat B. Anoman C. Kaninoman D. Isa man

4. _________ ang mga tinanghal na Alagad ng Sining sa iba’t ibang larangan?
A. Ano-ano B. Bakit C. Sino-sino D. Kai-kailan

5. Ako, sina Melisa, Amy, Lenda, Liza, at Tess ay sasali sa paligsahan sa pagsayaw sa
darating na pista ng barangay. Anong panghalip ang dapat ihalili sa may
salungguhit?
A. Kami B. Sila C. Tayo D. Ikaw