Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Ang Pagbabalikbayan ni Richard

ni Lydia E. Abegonia

Si Richard ay nakatapos ng kursong Computer Engineering. Nagdesisyon siyang umalis ng Pilipinas at sa ibang bansa magtrabaho dahil nahirapang makahanap ng mapapasukan dito. Nakatagpo na rin siya ng asawa roon at nagkaroon sila ng isang anak. Nanatilil sila roon nang limang taon at gaya ng pangako niya sa sarili, mag-iipon siya upang makapagpatayo ng bahay at makapag-umpisa ng negosyo sa kanilang bayan.

Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang, ang bakasyong pinakaasam-asam nila ay magiging permanente na pala. Nakapag-ipon na kasi siya ng sapat na halaga upang magpatayo ng bahay at doon na rin magtatayo. ng bigasan. Laking gulat ng mga magulang niya nang dumating ang inorder na materyales para sa pagpapagawa ng bahay. Hindi nagtagal natapos na ang bahay at tindahan ng bigas.

Pinadalhan sila ng sako-sakong bigas, kumuha ng isang tauhan na sasahuran upang makasama nila sa kanilang pagtitinda. Mabilis maubos ang kanilang stock na bigas. Habang lumilipas ang panahon ay dumarami ang kanilang kustomer at ganon din ang kanilang paninda. Ibig sabihin ay umuunlad ang negosyo nila. Nakatutuwang isipin na ang isang tao kapag nangarap, natupad at lumalago ang kabuhayan ay hindi nakakalimot sa kaniynag mga magulang maging sa kaniyang bayan. Napakagandang pamarisan.

Mga Tanong:

1. Bakit nagpasyang mangibang bansa si Richard?

2. Paano namuhay si Richard sa ibang bansa?

3. Paano nakapagpatayo si Richard ng sariling bahay sa Pilipinas?

4. Bakit nais nang bumalik ni Richard at ng kaniyang sariling pamilya sa Pilipinas?

5. Paano pinahalagahan at tinulungan ni Richard ang kaniyang mga magulang?​

Sagot :

Answer:

1. Kaya nagpasyang mangibang bansa si Richard dahil sa nahihirapang makahanap ng mapapasukang trabaho dito sa pilipinas upang saganoon matulongan nya ang kanyang magulang sa kahirapan.

2. Namuhay si Richard sa ibang bansa ng puno ng determinasyon at pagsisikap sya'y nagtrabaho at naipon ng pera para sa pagpapatayo ng bahay para sa pagpapatayo ng negosyo.

3.kaya nakapagpatayo ng bahay si Richard sa pilipinas dahil sa kanyang sipag at tyaga sa ibang bansa.

4. Satingin ko ay dahil may pernamenting ng buhay dito sa pilipinas sa kadahilanan na ang negosyung ipinundar ay lumago na.

5.Pinahalagahan at tinulongan ni Richard ang kaniyang mga magulang sa pagpapatayo nito ng bahay na satingin ko ay matagal ng inaasama ng magulang ni Richard.