Brazil, isang bansang kilala dahil sa magandang
industriya and urbanisadong lipunan. Sa katunayan, 80% ng populasyon ng bansang
ito ay naninirahan na sa syudad o pook na urban.
Sa kabila ng mga katangiang ito, kilala din ang Brazil
dahil sa social disparity o di pantay-pantay na pagtrato sa mamamayan dito.
Laganap ang diskriminasyon sa bansang ito, inuuri ang mga tao base sa kanilang
estado sa buhay.
Isa ring sosyolohikal na suliranin sa Brazil ay ang
labis na kahirapan ng mga mamamayan na naninirahan sa mga natitirang pook na
rural dito. Maihahalintulad ang kahirapan ng mga mamamayan ng Brazil sa mga
mamamayan ng Africa at ilang bansa sa Asya.