Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga
sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa
bilang salik ng produksyon?
a. tinataniman ng mga magsasaka
b. patayuan ng mga imprastraktura
c. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
d. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
2. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng kapital sa
proseso ng produksyon?
a. interes
b. kita
C. pera
d. regalo
4. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
5. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo". Ang sumusunod
ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
6. Ito ay nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.
a. kapital
b. lupa
c. paggawa
d. produksyon
15