Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Sagot :
Answer:
Mga Kintribusyon ni Gen. Antonio Luna:
Dalawang mahalagang bagay ang nagawa ni Antonio Luna para sa mga Pilipino, bagaman maraming naiambag na mahahalagang bagay noong kaniyang kapanahunan. Isa siyang Pilipinong siyentipiko at magiting na mandirigma noong sakupin ang Pilipinas ng mga Amerikano. Sa katunayan, isa siya sa mga tinaguriang magiting na Pilipinong heneral.
May angking talino si Luna sa Agham at Medisina. Sa katunayan ay tinapos nya ang “Doctorate in Pharmacy” at pagkatapos nyang tumungo sa Paris, minabuti nyang umuwi sa Manila. Siya ang unang Pilipinong nagsagawa ng pagsasaliksik at pag-aaral sa kapaligiran. Nalaman niya na maraming pinagkukunan ng tubig-inumin sa kanyang panahon na hindi pala ligtas itong inumin dahil sa taglay nitong mga mapaminsalang mga baktirya.
Kauna-unahan din siyang Pilipino na nakatuklas na ang dugo ng tao ay pwedeng gawing ebidensya sa tuwing may imbestigasyon sa krimen.
Napaka-istrikto ni Heneral Luna pagdating sa militar. Mainitin din ang ulo nito sakaling hindi sumunod sa utos ang kanyang mga nasasakupan. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi nagtagal ang kanyang buhay, dahil tinraidor siya ng kanyang mga kasamang sundalo na napag-initan niya ng galit.
Explanation:
hope it helps :>
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.