Ang pag-alulong ay karaniwang ginagawa ng mga aso. Ang pakahulugan
ng ilan tungkol sa sa salitang umaalulong ay ang mga sumusunod:
Denotasyon: Ang umaalulong ay ang paglikha ng mahabang
panaghoy, hibik o iyak.
Konotasyon: Sinasabing ang pag-alulong ng isang hayop ay
nangangahulugang may katakot-takot na pangyayaring naganap o ginaganap pa
lamang. Dahil sa malakas na pandinig ng mga aso ay mas malakas ang kanilang
pakiramdam kaysa sa mga tao, kung kaya’t mas nauuna nilang maramdaman ang
panganib na dahilan ng kanilang pag-alulong.