TUNGGALIAN
- Ingles: conflict, quarrel, argument
- pag-aaway o pagkakagulo dahil sa hindi pagkakaunawaan
"Nagkaroon ng tunggalian ang mga sundalo at mga rebelde sa Marawi."
- (personal na) kompetisyon
"May tunggalian silang dalawa dahil pareho nilang gustong maging valedictorian."
- argumento/debate
"Masakit isipin na ang tunggalian ngayon sa Senado ay ang pagpapasa ng batas na nagpapababa ng edad ng mga kriminal kaysa pagdebatehan nila kung bakit hindi nila magawang libre ang edukasyon sa Pilipinas."
- alitan (away)
"May tunggalian ang magkapitbahay dahil lamang sa mga bunga ng puno."