Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong
Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the
Common Era. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa
pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing
nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba
pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks)
at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang mandaragat.