"Gamitin at Paunlarin ang Wikang Pambansa Dahil Ito ay Susi sa Kaunlaran"
Ang slogan ay isang paraan upang mas lalong mapaunlad at maipakita ang pagiging malikhain ng mga bata. Ito ay karaniwang isinasagawa ng mga guro bilang bahagi ng patimpalak sa paaralan para sa pagdiriwang buwan-buwan. Ang ganitong uri ng mga programa ay isang maiging paraan upang mas mapaunlad hindi lamang ang personal na talento maging ang sosyal na aspeto ng pagkatao. Maipapakita ang husay sa pagbuo ng mga salita at pagdisenyo nito.