Ang Demograpiya ay ang estatistikal na pag-aaral ng populasyon ng tao.
Ito ay maaaring malawak na agham at maaaring gamitin sa kahit anong uri ng
dinamikong populasyon ng tao. Ito ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki,
estruktura at pamamahagi ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong
pagbabago nito ayon sa ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.
Ang pagsusuring demograpiko ay maaaring gamitin sa lahat ng lipunan o sa
pangkat na tinukoy ayon sa pamantayan gaya ng edukasyon, kabansaan, relihiyon,
at etnisidad. Sa Akademya, ang demograpiya ay kadalasang tinutukoy na sangay ng
alinman sa antropolohiya, ekonomiya, o sosyolohiya.