Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

sanaysay tungkol sa Filipino: Wika ng kaunlarang pang ekonomiya

Sagot :

           Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at bawat isla ay may sariling dayalekto o wika. Dahil sa pagkakaiba ng linggwaheng gamit, kadalas'y hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Sa ganitong dahilan, napagkasunduan na at idineklara ang Wikang Pilipino bilang isang wikang pagkakakilanlan o wikang pambansa.
           Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ang wikang ito "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.  Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino.  Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Mas mainam ang pakikipagpalitan ng ideya o pakikipagpalitan ng suhestyon para sa makabagong pamamaraan kung ang dalawang panig o higit pa ay nagkakainitindihan at nagkakaunawaan. Mas mahusay kung ang palitang ito ay walang hadlang lalong-lalo na sa wikang gamit. Mas mapadali ang bawat trabaho o gawain kung ang wikang gamit ay iisa.  Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.  Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wi.kang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.