Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

Ano ang ibig sabihin ng paghahayupan

Sagot :

Ang ibig sabihin ng paghahayupan o "husbandry" sa Ingles ay ang pag-aalaga ng mga hayop para sa kanilang karne, itlog, gatas at iba pa. Karaniwang ginagawang raw material ang mga ito upang maproseso at maibenta sa merkado. Ang husbandry ay isang sangay ng agrikultura. Ang pag aalaga ng hayop para sa pagkain at iba pang layunin (maliban sa pagiging pet) ay matagal ng nagsimula. Ang mga sinaunang sibilisasyon gaya ng Ehipto ay nag-alaga na ng mga baka, tupa, kambing at maging baboy.

Selective Breeding

Noong Rebolusyong Agrikultural sa Inglatera, mas naging laganap ang tinatawag na Selective Breeding na unang ipinakilala ni Robert Bakewell. Ang selective breeding ay ang pagpipili ng mga hayop na pagpaparehahin upang magkaanak. Pinipili lamang nila ang mga may mga katangiang gusto nila. Dahil dito, mas naging maganda ang quality ng mga baka at iba pang mga hayop na inalagaan at ibinenta sa merkado. May mga baka, halimbawa, na talagang inaalagan para sa karne lamang at meron ding mga para lamang sa kanilang gatas.  

Mga Sakit

Karaniwang problema sa pagaalaga ng hayop, lalo na sa Pilipinas ay ang pagkakaroon ng sakit. Dahil sa walang maayos na sistema, madaling kumalat ang mga sakit. Nito lamang ay may isyu tungkol sa African Swine Flu at maraming baboy ang kinailangang patayin sa Mindanao. Kailagan mas maisaayos natin ang teknolohiya upang hindi masayang ang pagpapalaki natin sa mga hayop.

Para sa dagdag impormasyon:

African Swine Flu:  https://brainly.ph/question/2483385

Poutly at Livestock: https://brainly.ph/question/2120392