Mayroong iba't ibang kultura ang bawat bansa o lugar batay na rin sa kanilang naging pinagdadaanang pinansiyal, personal at maging sosyal. Batay sa naging paglaki at pagpapalaki ng dalawang tao ay hindi malayong magkaiba ang batas moral sa iba't ibang kultura. Hindi magkakapareho ang paniniwala ng mga tao sa iba't ibang lugar kaya't siguradong hindi rin magkakapareha ang batas moral nito dahil sa magkaibang interpretasyon at pag-iintindi ng bawat kaganapan. Malinaw ang pagkakaroon ng pinagdadaanan ng bawat mamamayan ay nakakaapekto sa batas moral na sinusunod sa lugar.