TANKA
Ang estilo ng tanka ay isang maiikling awitin o tula na pinasimuno ng Japan noon. Ito ay dapat binubuo ng 31 pantig na 5 taludtod.
Ang karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay:
1. 7-7-7-5-5
2. 5-7-5-7-7
Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka. Lilikha ng 3 taludtod ang isang tao at dudugtungan naman ng ibang tao ng 2 taludtod upang mabuo ang isang tanka.
Halimbawa ng Tanka sa pag-ibig:
1.
PAG-IBIG #1
7 - Ito ang laging hiling
7 - Ito ang laging sambit
7 - Lahat na'y nahumaling
5 - Ito naman ay
5 - Dapat ibigay
2.
PAG-IBIG #2
5 - Tinanggap kita
7 - Nang buong puso, sinta
5 - May kulang pa ba?
7 - Kulang pa ba ako o
7 - Di ako kaylangan mo?