Napapanahon pa ring pag-aralan ang tulang “Anyaya sa Imperyalista” ni Ruth Elynia Mabanglo. Malikhain nitong naipapatimo sa mambabasa ang mahabang kasaysayan ng “espesyal na relasyon” ng bansang Pilipinas sa makapangyarihan at dambuhalang bansang Estados Unidos.Gamit ang nosyon ng “paanyaya” o “imbitasyon,” ipinapakita ng tula kung paanong ang isang tila pala-kaibigang bansang tulad ng Estados Unidos ay mayroong mga hayag at di-hayag na motibo sa pakikipag-ugnayan sa maliliit at mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.Mula sa mga elemento at katangian ng tula hanggang sa malalim at malawak na pagksain nito, masusuri sa mahabang tulang ito ni Mabanglo ang “kasaysayan ng pagkakaibigan” at “kasaysayan ng pandarahas” ng imperyalismong Estados Unidos sa bansang Pilipinas.