Bahagi ng kultura ng Japan ang pagbibigay kahulugan at
simbolo sa isang bagay. Isa ang Cherry Blossom sa mga bagay na binigyan nila ng
kahulugan.
Ang Cherry Blossom ay isang bulaklak na sandaling panahon
lamang kung mamulaklak. Ang bulaklak nito ay napakaganda ngunit may
pagkasensitibo.
Sumisimbolo ito sa buhay ng tao, maganda, maikli at kung
hindi inalagaan ay maaaring magdulot ng pagkasira nito.
Sa sandaling pamumulaklak nito, atin itong pangalagaan at
sulitin ang bawat segundong mayroon ito sapagkat maaaring hindi natin
mamalayan, lanta na pala ito.