Ang denotasyon ay ang literal na kahulugan ng isang salita o parirala sa isang pangungusap samantalang ang konotasyon ay ang matalinghaga at mas malalim pang kahulugan ng isang salita o parirala na karaniwang hango mula sa interpretasyon ng isang tao.
Ang denotasyon ng umaalulong ay ang pag-iyak ng malakas at mahaba ng isang aso sa isang malalim na gabi samantalang ang konotasyon nito ay maaaring mayroong naliligaw na kaluluwa sa paligid o di kaya'y may malapit ng mamatay sa isang lugar.