IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ako bilang carrot,itlog at butil ng cape

Sagot :

Ano nga ba ako bilang?

  1. carrot
  2. itlog
  3. butil ng kape

  • Ako bilang Carrot

Ang carrot ay isang uri ng gulay na maraming pwedeng pag gamitan,ginagawang juice,paglahok sa salads,at pang lahok sa mga putahe. ano man ang gawin sa kanya lumalabas na masustansya parin siya at kaaya aya ang lasa. Parang ako saan mo man ako ihalo ay kaya kung pakisamahan ang iba't ibang klase ng tao na sa kalaunan ay napapasaya ko naman sila at gayun din marami akong naibabahaging mga bagong kaalaman sa kanila na magagamit nila sa kanilang buhay. Bilang carrots ang mga bagong kaalaman ang naibibigay kung sustansya sa kanila.

  • Ako bilang itlog

Ang itlog ay halos paborito ng lahat, madaling bilhin,masustansya rin, ngunit sa kabila nito sila ay madaling mabasag, pero pag nabasag ang mga balat nila doon mo malalasap ang kanilang masarap na lasa, Parang ako kung hindi mo ako  kikilalanin at titingnan mo lang hindi mo makikita ang tunay na ako pero oras na makita mo na ang tunay kung kalooban masasabi mong sa simpleng panlabas ay may tinatago rin palang karunungan at handang ibigay ang kanyang nalalaman para sa kanyang kapwa.

  • Ako bilang butil ng kape  

Ang kape ang hinahanap ng lahat tuwing umaga sapagkat ito daw ang nagpapagising sa kanila, Pero di nyo ba alam na ang kape ay galing sa isang butil na bago maging kape ay napakadaming proseso ang pinagdaanan. Parang ako bago ako nakarating kung ano man ako ngayon ay napakaraming pagsubok ang aking pinagdaanan. Pero sa kabila ng lahat ako ang nagsisilbing pangpagising at pampasigla ng aking pamilya, Para akong kape na pag inihalo sa tubig na walang lasa ay nagagawa nitong mapasarap ang lasa, ang aking pamilya ang tubig at ako ang kape na laging nag papasarap ng buhay nila.

Buksan para sa karagdagang kaalaman

mga bagay na pwede nating ihambing sa ating sarili ttps://brainly.ph/question/1528369

paghahambing ng sarili sa banga https://brainly.ph/question/1065197

pag hahambing ng sarili noon at ngayon https://brainly.ph/question/608893