Ito ay salitang ginagamit sa mga sitwasyong nagkaroon ng mga mabubuting pagbabago. Kadalasang ang ibig sabihin nito ay pag-unlad (tulad ng komunikasyon at transportasyon), paglaki (tulad sa halaman), pagdami ng bilang o pagyaman (tulad ng isang tao o bansa).
MGA HALIMBAWA sa pagkakagamit ng salitang ito:
1. Umusbong ang ating komunikasyon sa ika-21 siglo ng ating kasaysayan.
2. Ang ating mga halaman ay umusbong ng husto dahil sa mga abuno.
3. Ang pag-usbong ng bansang Tsina ngayon ay palatandaan na ito ay magiging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap.