Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
Mga paraan kung paano mo maipamamalas ang iyong pag ibig sa iyong lupang tinubuan
Bilang isang kabataan may mga tungkulin at responsibildad tayong dapat gampanan, karapatan na dapat matamasa, batas na dapat sundin at higit sa lahat ang ibigay ang buong pag-ibig at pagmamahal sa ating lupang tinubuan. Nabubuhay tayo sa modernong lipunan kaya bilang ambag dapat maipakita natin ang pagmamahal at pagrespeto natin sa ating bansa.
Mga paraan ng pagpapamalas ng pag-ibig sa tinubuan lupa ng isang kabataan;
- Pag-aaral ng mabuti.
- Pagsunod sa mga utos ng mga magulang at mga batas ng pamahalaan bilang isang kabataan.
- Paggamit ng maayos at may pagmamahal sa wikang kinagisnan at wikang nakasanayan.
- Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
- Pagmamahal at pagsasabuhay ng mga kultura at mga tradisyon.
- Paggalang sa watawat na sumisimbolo sa bansa at maayos na pag-awit ng pambansang-awit.
- Pagsunod sa mga batas at patakaran na dapat sundin at isabuhay.
- Pagmamalaki sa mga sariling likha.
- Pagmamalaki na ikaw ay ipinanganak sa bansang kinalakihan.
- Paggampan sa mga tungkulin at responsibilidad ng kabataan.
- Pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.
- Paggalang at pagrespeto sa kapwa mamamayan.
- Pag-iwas sa makadayuhang kaisipan.
- Paggalang sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.
Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na:
Kahulugan ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1194903
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1146895
Iba pang Halimbawa ng Pagmamahal sa Bansa: brainly.ph/question/1086879
#BetterWithBrainly
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.