Kinilala ang Knossos bilang isang
makapangyarihang lungsod at sinakop nito
ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng
lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato.
Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na
kalamidad. Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E.,
narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito
dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng
Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging
pinakamalaki.