Ito ay isang idiomatikong pananalita na tumutukoy sa
katangiang “PAGKAKAISA”. Kapag mayroong
pagkakaisa, nagiging matibay ang mga samahan at pakakaibigan kahit pa sa mga
matitinding sitwasyong darating.
Pero ang pagkakaisang ito ay maaaring mawala kung wala ang “bigkis”
nito. Sa katunayan, kahit pa magkaisa
ang mga samahan kung hindi naman ito nagmumula sa puso, hindi rin ito
magtatagal at magkakawatak-watak rin.
Kaya ano ang “bigkis” na ito upang manatili sa pagkakaisa? Ito ay ang bigkis ng “PAG-IBIG”. Kapag may pagkakaisa ang mga miyembro, at
mayroong parang bigkis na nag-uugnay sa kanila, samakatuwid ang pag-ibig,
nagiging matibay ito maging sa paglipas ng panahon.