Ang tagpuang binanggit sa nobela ay sa katedral ng Notre Dame. Dito nagsimula ang kwento kung kailan nagdiwang ang mga tao sa pagkahirang ni Quasimodo bilang "papa ng kahangalan." Ang iba pang pangyayari ay umiikot lamang sa Katedral. Ang pamagat ng nobela ay nangangahulugang " Katedral ng Paris". Ang kuwento ay nakatakda sa Gitnang panahon, sa panahon ng panunungkulan ng Louis XI (1461-1483).