Ang bansang hapon ay kilala sa bansag na "Land of the Rising Sun". Hindi rin lingid sa kaalaman natin na nangunguna ang Japan sa mga bansang may mataas na antas ng teknolohiya.
Noong unang panahon ang Korea ay tinawag na "The Hermit Kingdom". Paulit-ulit kasing nasakop ng mga dayuhan ang Korea noon kaya't pagkatapos makalaya sa mga mananakop ay mas pinili nitong huwag na munang makisalamuha sa ibang bansa at pagtuonang pansin ang pagpapaunlad ng bansa.
Ang China ay nagpasimula ng konsepto ng dinastiya. Ang dinastiya ay ang linya ng mga taong makakapamilya na namumuno sa China sa loob ng libu-libong taon. Sa China rin nagmula ang konsepto ng calligraphy, oracle bone reading, ancestral worshipping at ang paggamit ng bronse, jade, kaolin at ivory.
Ang Mongolia ay tinawag na "Ang Lupain ni Genghis Khan" dahil itinayo ito ni Genghis Khan noong 1206 bilang Imperyo ng Mongol. Isa ito sa mga bansa sa Asya na napapalibutan ng malalaking kalupaan.