"Gamitin ang Pambansang Wika upang Kultura ay Mas Umunlad Pa"
Ang slogan sa itaas ay akma sa temang "Wikang Pangkaunlaran Pangkultura". Nagiging bahagi na ng ating mga tradisyon sa paaralan lalo na sa mga guro na magdaos ng iba't ibang patimpalak halos buwan-buwan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na linangin hindi lamang ang kanilang kakayahan sa akademikong aspeto pati na rin sa pagiging malikhain nito. Kadalasan binibigyan ng tema ang mga kalahok upang ito ang gawing batayan ng kanilang output.