Ang pananalitang tuluyan, tuluyan,
o prosa ay ang pangkaraniwang anyo ng nasusulat o sinasalitang wika.
Hindi ito patula, at hindi anumang natatanging anyo na katulad ng mga talaan, tala,
o mga talahanayan. Sa pagsusulat, wala itong natatanging ritmo, at kahalintulad
ng pang-araw-araw na komunikasyon. Ito ang pinakamahalagang pagkakaiba ng
tuluyan sa panulaan, at sa mga akdang pangtanghalan na katulad ng mga dula.
Isa sa mga halimbawa ng akdang tuluyan ay ang maikling
kwento mula sa bansang France, ang akdang “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant.
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nangarap na maging tampok sa lahat lalo na sa kasiyahang dadaluhan ng kanyang asawa. Dahil sa kanyang labis na pangarap, humantong siya sa sitwasyong hindi niya lubos maisip na mangyari sa kanila ng kaniyang asawa. Sina Mathilde Loisel, G. Loisel at Madam Forestier ang mga pangunahing tauhan ng kwento.