Ang anyong lupa ay binubuo ng isang heomorpolikal na yunit at karaniwang nabibigyan ng kahulugan o katawagan batay sa anyo at kinaroroonan nito. Mayroong iba't ibang anyong lupa sa Pilipinas gaya na lang ng kapatagan, bundok, burol,lambak, talampas, baybayin, bulubundukin, pulo, yungib, tangway, tangos at disyerto . Tangway ang tawag sa iyang anyong lupa na may korteng pahaba at nakausli at napapaligiran ng tubig. Ilan sa mga tangway na matatagpuan sa Pilipinas ay ang Bataan Peninsula, Bicol Peninsula at Zamboanga Peninsula.