Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Halimbawa ng sanaysay:
Gamitin Ang wikang Atin, Bansa'y Paunlarin
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. May pagkakaiba-iba sa tono, bigkas at paggamit ng wika. Ang wika ay sinasalita ng tao sa lipunan, sa bahay at lansangan. Dahil sa pagkakaiba ng wikang gamit, madalas, may hindi pagkakaintindihan. Dahil dito, hahantong ito sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa pagkakaroon ng hadlang o puwang. Kaya naman, napagtanto ng ating ama ng wika na magkaroon ng iisang pambansang wika. Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino. Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa pagitan ng isa't-isa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan. Kaya naman magtulungan at paunlarin ang wikang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.

Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.