Magtanong at makakuha ng eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Anu ang buod ng kwento ng si tuwaang at ang dalaga ng buhong na langit

Sagot :

Answer:

Buod ng Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit  

Epiko ng mga Bagobo

Si Tuwaang ay nakatanggap ng mensahe na kailangan niyang dumalo ni sa kasal ng Dalaga ng Monawon. Ngunit agad siyang binalaan ng kanyang tiyahin na huwag itong pumunta dahil nararamdaman niyang mayroong masamang mangyayari sa kasal. Ngunit hindi nagpapigil si Tuwaang sa kabila ng sinabi ng kanyang tiyahin.  

Araw na ng kasal at Isinuot ni Tuwaang ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya, bitbit niya ang kanyang espada, panangga at isang mahabang kutsilyo habang nakasakay sa kidlat papunta sa Monawon. Isinama niya si Gungutan, isang nakakapagsalitang ibon na natagpuan niya sa kapatagan ng Kawkawangan. Nang makarating na siya, nagsidatingan na rin ang mga bisita. Pagdating ng lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna kasama ang isang daang lalaki, pinaalis nito ang mga hindi nararapat na bisita.  

Nagsimula ang seremonya sa pag-aalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo ngunit nagparinig ang Binata ng Sikadna na wala pa silang gintong plauta at gintong gitara kaya sa isang misteryosong hininga ni Tuwaang ay nagkaroon sila nito. Nang lumabas naman ang babaeng ikakasal ay napanganga at humanga ang mga bisita dahil sa taglay na kagandahan nito.  

Nainsulto at napahiya ang Binata ng Sakadna ng tumabi ang ikakasal na babae kay Tuwaang sa halip na sa kanya kaya hinamon niya ito sa isang laban o dwelo. Upang lalong galitin pa ang binata ng Sakadna, sinuklayan ng babaeng ikakasal ang buhok ni Tuwaang at naghalikan ang dalawa. Lumaban ng buong makakaya si Tuwaang at ang Gungutan sa Binata ng Sakadna kasama ang isang daang mga lalaki. Matapos nilang ang isang daang mga kalalakihan ay nagharapan na sina Tuwaang at ang binata ng Sikadna.  

Nang dahil sa matinding labanan ng dalawa ay lumindol ang lupa kaya binuhat ng Binata ng Sakadna si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog at nakarating si Tuwaang sa Hades at nakita niya si Tuhawa, ang diyos ng Hades.  Sinabi nito na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta.  

Kaya naisip ni Tuwaang na bilhin ang gintong plauta upang mapatay ang binata ng Sakadna. Nang si Tuwaang ay nakabalik agad nagyakapan at naghalikan si Tuwaang at ang babae. Sumama ang babae kay Tuwaang sa Kuaman at sila’y nagsama ng mapayapa at maligaya.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa linkk na:

Kahulugan ng Epiko: brainly.ph/question/81409

Katangian ng Epiko: brainly.ph/question/485515

#LearnWithBrainly