Sagot :

Ginagamit ang salitang klasikal sa iba’t ibang pangungusap, at ang kahulugan nito ay depende sa kung paano ito ginamit. Maaari itong tumukoy sa kabihasnan, panahon o kultura. Ang klasikal ay isang salitang tumutukoy sa kung ano ang nauna. Kung pagbabasihan ang panahon, ang klasikal na panahon ay tumutukoy sa naunang panahon bago pa magkaroon ng kasalukuyang panahon. Ang salitang klasikal ay ginagamit lamang na pantukoy sa mga bagay na dati pang naimbento at napaglipasan na. Nagbibigay ito ng impresyon na ito ang orihinal na gawa bago magkaroon ng kasalukuyang gawa.
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.