IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

ANO ANG PAGKAKATULAD NG HALAMAN,HAYOP AT TAO?

Sagot :

Ano nga ba ang pagkakaiba ng halaman, hayop, at tao? Upang matukoy natin ang pagkakaiba ng halaman, hayop at tao ay kailangan muna nating matukoy ang pagkakatulad ng mag iyon. Unang-una, ang tatlong nabanggit na mga salita ay tumutukoy sa isang pangkat ng mga  nilalang at lahat may tinatawag na buhay. Buhay ang tawag sa isang cycle na kung saan nagmumula sa pagsilang, paglaki, hanggang sa tumanda at mamatay. Lahat ng ito ay nasa pangkat ng “living things” kung pagbabasihan ang pag-aaral sa asignaturang Biology. Ang buhay ay syang pagkakataon upang ang isang nilalang ay magampanan ang isang mahalagang papel sa cyle of life. Dahil dito, napapanatili ng buhay ng bawat hayop, bawat tao, bawat halamang ang kapaligiran dahil sa cycle of life.  

Ang Pagkakaiba

Ngayon ay tatalakayin naman natin ang pagkakaiba ng mga nasabing nilalang. Sa tatlo, ang tao ang mas mahigit pa kung ang pagbabasihan ay ang pagkakaroon ng talino at kaalaman ukol sa kanyang pagkanilalang.  

  1. Ang tao ang may kaalaman paano mapangalagaan ang kapwa mga nilalang na halamanm at hayop. Dahil dito, sa kanya nalasalalay ang pangangalaga sa dalaw. Ang tao ang syang nililok ng Maykapal upang mapanatili ang balanse sa kapaligiran.  
  2. Ang hayop naman ang sumunod sa tao. Ang hayop, hindi gaya ng tao, ay walang talino at kaalaman ngunit nabubuhay sila sa tinatawag na instinct. Ang instinct ay isang kilos ng hayop at tao na naayon sa survival ang kagustuhang mabuhay. Ang instinct ang nag-uutos sa hayop na kumain kung sa pandama niya ay gutom na, instinct din ang nag-uudyok sa hayop na umiwas sa mga mapanganib na mga nilalang sa paligid.  
  3. Ang halaman naman ang pinakamababa sa tatlo dahil hindi tulad ng tao, wala itong kaalaman at talino, at hindi tulad ng hayop, wala itong instinct. Nabuhuhay ang isang halaman dahil sa mga kondisyon sa paligid na umaalalay sa kanya upang mabuhay, tulad ng sinag ng araw, ng tubig, ng lupa.  https://brainly.ph/question/422709

Ano naman ang kakayahan ng bawat isa? https://brainly.ph/question/226946

May mga pagkakahalintulad at pagkakaiba man ang tao, hayop at halaman, meron naman silang pagkaka-ugnay. Ang tatlo ang syang nagpapanatili ng balanse sa ating kapaligiran at ng buhay. Ang tao at halaman ang nagpapalabas ng carbon dioxide na nagmumula sa kanilang mga hininga na sya namang pagkain na hinihigop ng halaman. Sa kabaliktaran, ang halaman naman ay nagpapalabas ng oxygen bilang kanyang waste na sya namang nagbibigay buhay sa tao at halaman. Dito na ngayon nagkaka-ugnay ang tatlong mga nilalang na parehong may pagkakaiba at mayroong pagkakahalintulad. Kaya paano nga ba mapangalagaan ng tao ang hayop at halaman kung sa gayung siya ang mas may pinakamataas na antas sa tatlo?  

  • Huwag abusuhin ng tao ang hayop at halaman. Kumain at gamitin lamang ang sapat at naayon sa pangangailangan ng pamilya.  
  • Alagaan ang kapaligiran dahil hindi lamang ang hayop at tao ang nabuibuhay dito, kundi pati na rin ang tao.
  • Huwag gumawa ng mga bagay naikasisira ng halaman, ng hayop, at ng kapaligiran dahil nabubuhay at nagkakaugnay ang lahat ng ito. Kung kulang ng isa, hindi mapapanatili ang buhay sa mundo.  

Ano pa ang pagkakatulad nga tatlong ito? https://brainly.ph/question/226031