Ang denotasyon ay tumutukoy sa literal na kahulugan ng isang salita o parirala na karaniwang nakikita sa diksiyunaryo samantalang ang konotasyon naman ay ang pansariling kahulugan ng isang tao o interpretasyon ng mga salita o parirala. Ito ay kasalungat ng denotasyon sapagkat ito ay may mas malalim na kahulugan.
Ang denotasyon ng umaalulong ay ang mahaba, malakas at malungkot na pagkahol ng isang aso. Ang konotasyon naman nito ay hindi maganda sapagkat ibig sabihin ay mayroong kaluluwang ligaw sa paligid o kaya'y mayroong nagbabadyang trahedya.