IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

unang imperyong itinatag ng daigdig

Sagot :

Ang sagot ay "Akkad"

Kasali o kabilang ang "Akkad (2340-2100)" sa kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya.

Kinamkam ni Sargon I (2334- 2279 BCE) ang mga lungsod-estado at itinatag nya ang pinakaunang imperyo sa buong daigdig.

  • Si Sargon I ay galing sa sa norte o hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade. Dahil dito, ang pinaka-unang imperyo sa mundo ay tinatawag na Akkadian. Ang imperyong pinasimulan ni Sargon I hanggang ipinagpatuloy din ng kanyang mga anak ang imperyo ay tumagal lamang nang halos 150 taon. Ang isa sa pinakahuling mahusay at magaling na pinuno ng Akkadia ay si Naram-Sin (2254- 2218 B.C.E.).

Sa pagbagsak ng Akkadia ay naging lumaya at nagpalakas muli ang mga lungsod sa katimugang bahagi ng Mesopotamia. Pangunahing sa mga lungsod-estado na ito ay ang Ur. Sa kamay ni Ur-Nammu (2112-2095 B.C.E.), ang lungsod na ito ay naging kabisera ng isang imperyong kumalaban o sumasalungat sa mga Akkadian. Sa panahon ng 2100 B.C.E., madaling nakuha ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan nito ang Sumer at Akkad. Si Ur-Nammu ay nagpatayo rin ng ziggurat sa lungsod-estado ng Ur.

Subalit tulad ng mga naunang hari ng lungsod, kinailangang kalabanin o magdigmaan ng mga pinuno ng Ikatlong Dinastiya ng Ur ang pangkat ng mga taong sumugod sa Mesopotamia mula sa nakapaligid na kabundukan at disyerto. Ang mga taong ito ay nahikayat magtungo rito dahil sa matabang lupain nito. Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur-Nammu na si Ibbi-Su (2028-2004 B.C.E.), bumagsak ang Dinastiyang sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa bahagang timog, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol o pamahalaan ang rehiyon.

Ang imahe na binigay ko ay ang isang imahe ni Sargon 1.

#CarryOnLearning

View image Аноним

Answer:Itinatag niya ang unang tunay na imperyo ng mundo sa Mesopotamia. Si Sargon the Great ay isang Semitikong hari. Ang malawak na imperyo ni Sargon ay naisip na may kasama malaking bahagi ng Mesopotamia, at kasama ng bahagi ng modernong-araw na Iran, Asia Minor at Syria. kinokontrol ng kanyang dinastya ang Mesopotamia sa loob ng isang daang taon at kalahati (150 taon).

#KeepLearningKids