Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang mga kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku?

Sagot :

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU

TANKA

  • Ang Tanka ay ginawa o nagsimula noong ikawalong siglo
  • Ang pinakaunang Tanka ay napabilang sa isang antolohiya o kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves na kung saan ay ipinapahayag at inaawait ng nakakarami.
  • Ang ibig sabihin ng Tanka ay maikling awitin na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
  • Ang tradisyunal na Tanka ay may limang taludtod na may kabuuang tatlumpu't isang pantig. Ang tatlo sa limang mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang ang dalawang natitirang taludtod ay tig-5 pantig.

HAIKU

  • Noong ika-15 siglo ay isinilang ang panibagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon at tinawag itong Haiku.
  • Ang Haiku ay nahahati sa tatlong taludtod at sa kabuuan ay may labimpitong pantig.
  • Ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto o Kiru ang siyang pinakamahalaga sa Haiku. Kahawig ng sesura sa ating panulaan ang Kiru.
  • Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksang ginagamit sa Haiku.

Karagdagang impormasyon:

Paksa, tema at sukat ng tanka

https://brainly.ph/question/423170

Halimbawa ng tanka

https://brainly.ph/question/1741237

Halimbawa ng haiku

https://brainly.ph/question/280263

#LearnWithBrainly