Ang tulang "Naghihintay Ako" na isinulat ni Prinsesa Nukada at isinalin sa Filipino ni M. O. Jocson ay isang halimbawa ng tanka. Ang tanka ay isang anyo ng tula na lubos na pinapahalagahan ng mga Hapon. Ang tulang ito ay may layuning pagsama-samahin ang mga ideya at imahe gamit ang kakaunting salita lamang. Sa kabilang banda, ang paksa ng tankang "Naghihintay Ako" ay tungkol sa pananabik ng pagdating ng isang inaasam-asam na bagay,pangyayari o tao na nakatakdang dumating sa panahon ng taglagas.